Biyernes, Enero 30, 2026

Salamat sa Sagip Gubat Movement

 

SALAMAT SA SAGIP GUBAT MOVEMENT

binili ko man kaya mayroon
ng t-shirt, mahalaga'y ang misyon
sa ekolohikal na proteksyon
sa t-shirt man lang ay makatulong

wala na akong ambag, iyan lang
ang itaguyod ang kapakanan
ng kalikasan, kapaligiran
mapagmulat ang t-shirt na iyan

salamat sa Sagip Gubat Movement
ramdam kong naging kabahagi rin
ng kanilang layon at tungkulin
walâ man sa aktwal na gawain

subalit kung may pagkakataon
makikiisa ako sa misyon
dadalo ako sa bawat aksyon
para sa kapakanan ng nasyon

- gregoriovbituinjr.
01.30.2026

* makakabili ng tshirt sa kawing na: https://www.stumpfybestdeals.com/Sagip-Gubat-Movement 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payò sa sarili

PAYÒ SA SARILI dapat pa ring pagsanayang magkwento habang sa sipnayan ay pulos kwenta di lang tulâ ang dapat isulat ko kundi kwento hanggang...