Si Oriang, ang Lakambini
SI ORIANG, ANG LAKAMBINI Si Oriang, bayani, asawa Lakambini ng Katipunan Matapang na Katipunera Para sa bayang tinubuan Ikaw ang mithing binibini Ng bayani't Supremo Andres Itinalagang Lakambini Nang bayan ay di na magtiis Magkatuwang kayo ni Andres Sa Katipunang pinagpala Susupil sa pagmamalabis Ng mga Kastilang kuhila Kay Andres, di ka lang asawa Di ka lang inspirasyon kundi Kasama sa pakikibaka At kalayaan ang lunggati Ang bayan ay inyong hinango Mula sa hinagpis at luha Sinindihan ninyo ang sulo Nang kamtin ng bayan ang laya - gregbituinjr. (Binasa sa Rizal Park Open Air Auditorium, Marso 23, 2019. Ang mga litrato ay kuha ng aking asawang si Liberty. Taos-pusong pasasalamat kay Ka Joel Malabanan sa kanyang imbitasyon upang ako'y muling makatula sa Luneta.)