Lunes, Disyembre 24, 2018

Kwento - Karapatang pantao, due process, at tokhang

KARAPATANG PANTAO, DUE PROCESS, AT TOKHANG
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Bang! Bang! May umalingawngaw na namang malakas na putok ng baril. Aba’y may natokhang na naman ba? Iyan ang agad katanungan sa isipan ko, lalo na’t ilang taon na rin nang ilunsad ng pamahalaan ang tokhang, na umano’y pagpapasuko sa mga nagdodroga o adik. Subalit kadalasang napapatay ay mga maralita, at hindi malalaking isda.

Kaya lumahok ako sa pagkilos ng iba’t ibang grupo sa karapatang pantao, tulad na pagkilos ng Philippine Alliancde of Human Rights Advocates (PAHRA) at ng grupong IDefend.

Sa isang pagkilos nitong Disyembre 10, sa ika-71 anibersaryo ng pagkakadeklara ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) o Pandaigdigang Pahayag sa Karapatang Pantao, nagsalita ang ilang inang nawalan ng anak dahil pinaslang na lang ng mga pulis. Sinabi ni Issa sa rali habang tangan ang mikropono:

“Hindi ko nauunawaan noon kung bakit may mga ganitong rali. Subalit ngayon, naiintindihan ko. Ito’y malayang pagpapahayag. Subalit walang kalayaan sa kalagayang marami sa atin ang naghihirap. Tapos ay papatayin pa ng kapulisan ang aking anak na binatilyo. Nasaan ang hustisya! Bakit basta na lang nila binaril ang aking anak? Sana’y tinanong muna at kinausap nila ang aking anak, imbes na barilin na lang nila ng walang awa. At saka ano ang sinasabi nilang may baril ang anak ko? Walang ganyan ang anak ko. Matinong anak si Isidro ko.”

Isa ring nagsalita si Aling Ingrid, “Ang anak kong si Isko ay basta na lang binaril habang kausap ang mga kaibigan at kapitbahay niya doon sa aming sala, Bakit? Nasaan ang wastong proseso ng batas? Nasaan ang sinasabing due process. Kung may droga ang anak ko, sana, hinuli nila at sinampahan ng kaso sa korte. Hindi ang ganyang basta na lang nila babariling parang hayop. Hindi hayop ang anak ko!” Nanggagalaiti niyang sabi sa rali.

Hanggang ako naman ang tinawag bilang sekretaryo heneral ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) at sekretaryo heneral din ng Ex-Political Detainees Initiative (XDI). Nabigla ako sa pagtawag. Hindi ako namatayan. Subalit bilang lider ng samahan, tumayo ako sa harapan upang magtalumpati. Sabi ko, “Isang taaskamao pong pakikiramay sa lahat ng mga inang naulila dahil sa Giyera Laban sa Droga. Ngayong Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, singilin natin ang pamahalaang ito sa kawalan ng paggalang sa buhay, at kawalan ng maayos na proseso ng batas. Sadyang mali na basta na lang kunin ang buhay ng isang tao. Laging sinasabi ng pangulo na sila’y collateral damage. Subalit buhay at karapatan ang pinag-uusapan dito. Hindi na maibabalik ang buhay nila. Dapat may managot sa mga basta na lang pinaslang, at inaakusahan pang nanlaban. Hustisya sa mga namatay!” 

Gumagaralgal ang aking boses. Di ko na rin nakuhang basahin pa ang inihanda kong tula, dahil ako’y sadyang naluluha. Bakit kailangang may mamatay sa gayong paraan? Di ba’t problema sa kaisipan ang pagdodroga? Kaya dapat lunasan ito ng serbisyong medikal? Narinig ko pang ang pagpaslang daw sa mga adik ay kailangan daw upang di sila makagawa ng krimen. Tama ba iyon? Ah, sa isang digmaan ay may tinatawag na preemptive strike sa mga kalaban upang pahinain ang pwersa nito. Maraming katanungang dapat masagot. Maraming buhay na nawala ang sumisigaw ng hustisya. Maraming dapat managot sa mga pangyayaring ito, lalo na ang pangulong nagdeklara ng giyerang ito na nakikitang War on the Poor dahil pawang mahihirap ang mga napaslang.

Hawak ng mga kasamang raliyista ang larawan ng mga batang namatay sa giyera laban sa droga, tulad nina Althea Barbon, 4, namatay noong Setyembre 1, 2016; Danica Mae Garcia, 5, na namatay noong Agosto 23, 2016; Francis Mañosca, 5, na napaslang noong Disyembre 11, 2016; San Niño Batucan, 7, na napaslang noong Disyembre 3, 2016; at marami pang iba. Sa edad nila’y tiyak hindi pa sila nagdodroga ngunit pinaslang ng mga berdugo. Sadyang biktima lang sila. May litrato rin doon si Kian Delos Santos, 17, na napaulat na bago napaslang ay narinig na isinisigaw: “Huwag po! May eksam pa po ako bukas!” 

Nakakatulala ang eksenang iyon sa rali. Kailan ba makakamit ng mga inang namatayan ng anak at asawa ang isinisigaw nilang katarungan? 

Takipsilim na nang tinapos namin ang programa sa pamamagitan ng pagsisindi ng mga kandila sa harap ng mga larawan ng mga walang kalaban-labang biktima ng karumal-dumal na krimen.

Umuwi akong di mapalagay. Subalit pinatibay nito ang prinsipyo ko upang talagang ipaglaban ang karapatang pantao at due process, habang naaalala ang mga sinabi ng mga inang nagtalumpati roon.

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Disyembre 2018, pahina 12-13.

Miyerkules, Disyembre 19, 2018

Inalala ni Priapus sa kanyang tanggapan ang piesta ng Pateros - salin ng tula ni Eman Lacaba

INALALA NI PRIAPUS SA KANYANG TANGGAPAN ANG PIESTA NG PATEROS
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Napakahalata; ngunit ang nakakaakit na hangin ng kápa
Ay hindi para sa mga umiibig sa mga maninindang nakapuyod,
Ng mga matatandang babaeng sumasayaw sa isang piging.

Sinasabi kong ang mga bangka ay hindi upang kalawangin.
Dapat salaminin, malabo man, ng hapag ng mga butas ng ilong,
Daliri, tiyan, kampana,
Mga panginoong nagsisitakbuhan sa mga lansangan tuwing gabi
Sabihin ang tsismis kay Martha ng Pateros,
Ang makasaysayang hindi matunaw na pagkain ng buwaya
Mula sa paglunok ng mga sinag sa ulo ng rococo.

O ang silid ay kulang sa mantika
At mga lamang-loob.

* Inilathala ang orihinal na bersyong Ingles sa Philippines Free Press, Disyembre 9, 1967, p.181
* Isinalin ng petsang Disyembre 19, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.

PRIAPUS IN HIS OFFICE RECALLS THE PATEROS FIESTA

Too obvious; but the coat-compelling air
Is not for lovers of hairlipped vendors,
Of aged women dancing in a feast.

I say boats are never meant to rust.
Desk should dimly mirror nostrils,
Fingers, bellies, bells,
Gods who race the streets at night
Tell the tale of Martha of Pateros,
The croc's historic indigestion
From swallowing rococo halos.

O the room's in want of lard
And innards.

Emmanuel A.F. Lacaba 

Larawan ng alagad ng sining bilang Pilipino at binata - Salin ng tula ni Eman Lacaba

LARAWAN NG ALAGAD NG SINING BILANG PILIPINO AT BINATA
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Pansamantala akong mamamatay:
Hindi pa ako naghuhubad hanggang sa huling satin;
Hinayaan kong masiyahan ang suot kong salamin sa mata,
Mga sariling larawang nagpapakita ng Latin.

Nakangiting walang anumang hiya ang tula,
Nawawala ang manunugtog at madlang manonood:
Ang tinanggap kong payak na himig at pangalan,
Pati mga mais at bukung-bukong ng magsasaka ay nang-uuyam.

Ang sining ay nasa kanang retina nakasalamin ng tama,
Mga butas ng ilong ng Oriyental ay iginuhit na Oriyental.
Hayaan mo akong mamatay; mga tagahanga, maging magalang:
Sa sandaling ito, ako ay tapat, hubad, at mabait.

* Inilathala ang orihinal na bersyong Ingles sa Philippines Free Press, Disyembre 9, 1967, p.181
* Isinalin ng petsang Disyembre 19, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.

PORTRAIT OF THE ARTIST AS FILIPINO AND A YOUNG MAN

Temporarily I will die:
I haven't stripped to final satin;
I've let my looking glasses satisfy,
Self-portraits flaunt a Latin.

Poetry is smirking lack of shame,
Band and audience disappearing:
My self-accepted rustic tone and name,
And corns and peasant ankles sneering.

Art is right retina mirrored right,
Oriental nostrils drawn Oriental.
Let me die; admirers, be polite:
For once I'm loyal, nude, and moral.

Emmanuel A.F. Lacaba

Lunes, Disyembre 17, 2018

Parabula - salin ng tula ni Eman Lacaba

PARABULA
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

"Magtungo ka sa aking paroroonan," anang hangin sa apoy,
Dahil nasunog ang kanyang daraanan noon,

Nilabanan ng apoy ang kanyang dáting
Kaibigan, at naghunos-dili nang may isinigaw,

"Direksyon ang maaaring mong paroonan, Ako
Pa rin ang ningas, ang kaluwalhatian."

* Inilathala ang orihinal na bersyong Ingles sa Philippines Free Press, Disyembre 9, 1967, p.181
* Isinalin ng petsang Disyembre 17, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.

PARABLE

"Go where I go," said wind to fire,
Having burned his way before,

The fire fought hard his former
Friend, and yielded with the cry,

"Direction you may be, I
Am still the blaze, the glory."

Emmanuel A.F. Lacaba 

Ang anak ng kautusan - Salin ng tula ni Eman Lacaba

ANG ANAK NG KAUTUSAN
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

May mga katahimikang nakatusok sa mga bulsa ng damit
Na nauugnay sa ulan.
Mga nakatuping may gad-ang na blusa sa amaging aparador
Binaybay ba ng mga palaisipan
ang Shema Israel, may mga tunog na tinatawag na katahimikan
Tinatawag na palaisipan na tinatawag na raketa ng tenis:
Adonai elohaynu, naaalala ko ang mga tunog
Ng mga karakter na hindi ko maintindihan,
Binabaybay ang salitang iyong ipinagbabawal.

Ang mga tagasunod na nakaitim ay umalis na upang matulog.

Ang mga baldosang nakapapaso, pinaputok na pagsugod
Sa mga korte ng kwelyo, kutsilyo, bola sa mga kalis.
May mga tunog na tinatawag na katahimikan na tinatawag na mga asawa.
Ang ulan ay gurong rabbi at inuulit ang pangalang
Nangangahulugang isa, ipinaliliwanag ang lahat o wala.

* Inilathala ang orihinal na bersyong Ingles sa Philippines Free Press, Disyembre 9, 1967, p.181
* Isinalin ng petsang Disyembre 17, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.

BAR MIZVAH

There are silences pinned on shirt pockets
Associated with rain.
Folded checkered blouses in musty closets
Are crossword puzzles spelling
Shema Israel, there are sounds called silences
Called puzzles called tennis rackets:
Adonai elohaynu, I remember the sounds
Of characters I don't understand,
Spelling out the word you forbid.

The followers in black have left for bed.

Tiles sear, fired invade
Courts of collars, knives, balls in patens.
There are sounds called silences called wives.
Rain is rabbi and repeats the name
Meaning one, explaining all or nothing.

Emmanuel A.F. Lacaba 

Ang mga banyaga - Salin ng tula ni Eman Lacaba

ANG MGA BANYAGA
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nanatili kami sa mga pook ng dukha sa Washington, D.C.,
Isang Pilipino, isang Denmarko, at dalawang Italyano.
Tatlong gabi kaming bumarik ng bardolino
At pinag-usapan ang mga pelikula, kababaihan, mga armas,

Mga malalaking anghel para sa panganay.
Tinanong kami ng matabang puting panginoong maylupa
At ng kanyang kalaguypng itim tungkol sa pag-ibig. 
Ang lasing na Denmarko naman
Ay umawit ng mga nota mula sa dingding ng mga Juan.

Kagabi lang, kami'y hinigop ng mga nakakabagot na lansangan;
Pasibong sinuri ng Puting Tahanan ang mga tatak
Ng aming mga balat. Yumukod kami sa mga ngipin nito
At bumulong ng panaginip hinggil sa mga bastos na serpiyente,

Ang mga reyunyon at kapatagan sa umaga. Pinanood namin ang gabing
Naghahati, natagpuan ang aming sariling nalulunod
Sa tubig nito. Binalikan ang mga tampiping
Natatakpan ng mababaho't di makatulog na kama,

Nadaanan namin ang isang pinid at madilim na upahang bahay;
Ang mga gitara sa loob ay umaawit ng hanukkah:
Nakatayo kaming giniginaw na parang mga diplomata
Na ibinaba kani-kanila lang ng mga limousine.

* Inilathala ang orihinal na bersyong Ingles sa Philippines Free Press, Disyembre 9, 1967, p.181
* Isinalin ng petsang Disyembre 17, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.

THE FOREIGNERS

We stayed in the slums in Washington, D.C.,
A Filipino, Dane, and two Italians.
Three nights we guzzled bardolino
And talked of films, women, armaments,

Giant angels for the first-born.
That fat white landlord and his black mistress
Questioned us on love. The tipsy Dane
Chanted notes from walls of Johns.

The last night, the bored streets sipped us;
The White House studied passively the labels
Of our skins. We squatted on its teeth
And whispered dreams of brazen serpents,

Reunions, and morning planes. We watched the night
Dividing, found ourselves drowning
In its waters. Going back to bags
Concealed by smelly, sleepless beds,

We passed a closed and dark apartment;
Guitars inside sang hanukkah:
We stood cold like diplomats
Dropped off recently by limousines.

Emmanuel A.F. Lacaba 

Linggo, Disyembre 02, 2018

Basta dukha, mababa ang kanilang pagtingin

BASTA DUKHA, MABABA ANG KANILANG PAGTINGIN

basta dukha, mababa ang kanilang pagtingin
magagaspang ang kilos, maamos at marusing
itinuring pa nilang basta dukha'y uhugin
tila walang hilamos at mukhang bagong gising

kahit mga kasama, tingin nila'y kaybaba
walang pinag-aralan at mababaw ang luha
mukhang di inaruga ang palaboy na bata
tila walang magulang, sila ba'y naulila

ang mga manggagawang hirap ngunit may sweldo
na kahit mababa man ay karespe-respeto
ngunit tingin sa dukha'y sanay sa basag-ulo
na naghahanap lamang kung anong matityempo

dukha nga ba'y kauri ng mga manggagawa
at pinandidirihan nitong uring panggitna
o sila'y kauri lang ng sadyang walang-wala
na obrero man, tingin sa kanila'y kaybaba

ang dukha kasi'y walang pribadong pag-aari
na animo'y pulubi sa mga naghahari
walang dignidad, ayon sa nagkalat na pari
dapat lang magkaisa ang dukha bilang uri

- gregbituinjr.

Sa ika-16 na death monthsary ni misis

SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS ‎ Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...