Kwento - Huwag gawing 100% ang iskwater sa sariling bayan! Nukleyar, huwag payagan!
HUWAG GAWING 100% ANG ISKWATER SA SARILING BAYAN! NUKLEYAR, HUWAG PAYAGAN! Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Tumitindi ang bangayan ng mga elitista hinggil sa nagaganap na ChaCha, subalit animo’y moro-moro lang ito ng naghaharing uri. Kaya dapat kumilos ang mamamayan upang tutulan ang banta sa kanilang kabuhayan at kasarinlan ng bayan. Aba’y nais kasing distrungkahin ng mga mambabatas ang Saligang Batas ng Pilipinas, lalo na ang probisyong pang-ekonomya nito na dapat 60% ang pag-aari ng Pilipino at 40% sa dayuhan sa mga pampublikong interes, tulad ng lupa, masmidya, tubig, kuryente, at iba pa. Kaya ito ang napag-usapan nina Igme sa kanilang komunidad. “Hindi tayo dapat tagapanood lamang, na habang niloloko na tayo ng mga nasa poder ng kapangyarihan, tayo naman ay walang malay at nakatunganga lamang sa nagaganap. Aba, tulad na lang ng ChaCha na iyan, na nagsimula sa pagpapapirma sa atin kapalit ng ayuda, iyon pala’y ibinebenta na tayo sa dayuhan.” Napatango naman si Inggo, haba