Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2019

Ang halalang ito'y gawin nating makasaysayan

ANG HALALANG ITO'Y GAWIN NATING MAKASAYSAYAN wala pa tayong Senador na manggagawa na ilang taong nagtrabaho sa pabrika elitista't artista ang bumubulaga nananalo sapagkat masa'y nagpabola kaya ang sigaw namin: Manggagawa Naman! iboto ang manggagawang subok sa galing ang aming kandidato: Leody de Guzman lider-manggagawa, prinsipyado, magiting ang mga trapong Senador ay walang nagawa upang buhay ng masa'y guminhawang ganap baka lider-obrero'y pag-asa ng madla upang ipaglaban ang kanilang pangarap gawing makasaysayan ang halalang ito at maging bahagi tayo ng kasaysayan lider-manggagawa'y ilagay sa Senado kaya ating iboto: Leody De Guzman - gregbituinjr.

Si Clara Zetkin, sosyalistang lider-kababaihan

Imahe
SI CLARA ZETKIN,  SOSYALISTANG LIDER-KABABAIHAN taas-kamao sa sosyalistang si Clara Zetkin lider-kababaihan at kaibigan ni Lenin at Rosa Luxemburg na pawang mga magigiting na sa kanilang panahon ay bayaning tinuring sa Stuggart, siya'y kasapi ng Bookbinders Union naging aktibo rin sa Tailors and Seamstresses Union at dati ring Kalihim ng Internasyunal noon gayong ilegal sa babae noon ang mag-unyon kumperensya ng mga babae'y inorganisa pagboto ng babae'y ipinaglaban din niya at nilabanan ang peminismong sumusuporta sa restriksyon sa pagbotong batay sa ari't kita mas nakatuon siya sa uri, at di sa sekso na prinsipyo niya sa panlipunang pagbabago naniniwala si Zetkin na tanging sosyalismo ang daan upang lumaya ang babae't obrero malaki ang inambag ni Zetkin sa kasaysayan ng daigdig, lalo sa mapagpalayang kilusan ng mga kababaihan tungo sa kalayaan at nag-organisa ng Araw ng Kababaihan kaya muli, isang taas-kamaong pagpupugay kay Clara Ze