Linggo, Disyembre 21, 2025

Di ko ginagamit ang "pero" sa akdâ

DI KO GINAGAMIT ANG "PERO" SA AKDÂ

matagal ko nang di ginagamit ang "pero"
salitang Kastilà, salitang Mehikano
gayong may katumbas sa wikang Filipino
na dapat gawing palasak, gamitin ito

sa wikang Ingles, ang salitang"pero" ay "but"
sa ating wika'y ngunit, subalit, datapwat
ang mga iyan ang gamit ko sa panulat
sa tula, kwento, sa ganyan ako maingat

nais kong patampukin ang sariling wikà
bilang makatâ sa katutubong salitâ
upang mapatampok din ang ninunong diwà
habang nakikibaka kapiling ng dukhâ 

ngunit, subalit, datapwat, bagamat mithî
mga salitang ganito'y pinanatili
di wikà ng mga mananakop na imbi
kung may katumbas naman, gamiting masidhi

- gregoriovbituinjr.
12.21.2025

* kahulugan ng mga salita mula sa Diksiyonaryong Adarna

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Di ko ginagamit ang "pero" sa akdâ

DI KO GINAGAMIT ANG "PERO" SA AKDÂ matagal ko nang di ginagamit ang "pero" salitang Kastilà, salitang Mehikano gayong ma...