IKATLONG KAMPYONATO, NAKUHA NI DJANGO
ngayong taon nga'y tatlong beses nang nagkampyon
sa larong bilyar si Francisco Bustamante
mabuhay ka, Django, sa nakamit mong iyon
mahigit sandaang katunggali'y nadale
unang panalo'y Bayou State Classic One-Ball
One Pocket sa Louisiana, ang sunod ay
sa Las Vegas, sa Jay Swanson Memorial Nine-ball
ikatlo'y sa One Pocket Face-Off nagtagumpay
Congrats, Django, sa binigay mong karangalan
sa bansa, tulad ng kumpare mong si Efren
"Bata" Reyes, na ang taguri'y "The Magician"
kahusayan ninyo'y dapat naming tanghalin
taasnoong pagpupugay sa iyo, Django
hari ka ng bilyar at tunay na idolo
- gregoriovbituinjr.
02.23.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Pebrero 23, 2025, p.12
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento