Martes, Nobyembre 19, 2024

Barya lang po sa umaga

BARYA LANG PO SA UMAGA

nakasulat: / barya lang po / sa umaga
habang aking / tinatanaw / ang pag-asa
na darating / din ang asam / na hustisya
lalo't iyon / ang pangarap / nitong masa

habang sakay / ng traysikel / ay nagtungo
roon upang / tupdin yaong / pinangako
naglilingkod / pa ring buo / ang pagsuyo 
inaasam / na di basta / lang maglaho 

mapanatag / ang kanilang / puso't diwa
sa maraming / isyu't asam / ay ginhawa
kasama ng / maralita't / manggagawa 
kapitbisig / sa layunin / at adhika

may "feet off please" / pang kanilang / bilin dito
kaya ito'y / sinunod ko / ngang totoo
buti't bulsa'y / may barya pang / naririto
pinambayad / sa drayber ng / sinakyan ko

- gregoriovbituinjr.
11.19.2024

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/vXzAaYN0fk/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tatawirin ko kahit pitong bundok

TATAWIRIN KO KAHIT PITONG BUNDOK tatawirin ko kahit pitong bundok upang sa sinta'y mapatunayan ko na siya ang sa puso'y tinitibok na...