wala na akong naitutulong, pabigat na lang
ito'y nadarama sa bawat araw na magdaan
walang perang maiambag, gawaing bahay lamang
pambayad ng kuryente't tubig ay kukunin saan
di makaisip ng diskarte ang utak-bagoong
ibebenta ba ang puri lalo't hilong talilong
kakalabitin ba ang gatilyo sa ulong buryong
ayoko namang sa droga't mga bisyo'y malulong
katawan ay nakakulong, diwa'y lilipad-lipad
sa kwarantinang ito'y paano makakausad
pangyayari'y anong bilis, diskarte'y anong kupad
sariling ekonomya'y patuloy na sumasadsad
sana'y naging frontliner na sa unang buwan pa lang
nang buhay na ito'y maging kapaki-pakinabang
buhay sana'y may esensya't substansya, di mahibang,
di tulad ngayong walang kita't pabigat na lamang
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kaming mga tibak na Spartan
KAMING MGA TIBAK NA SPARTAN kami'y mga aktibistang Spartan na apo ni Leonidas, palaban tapat sa prinsipyo kahit masaktan handang suungin...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento