balak kong hawanin ang munting gubat na madawag
upang pagtayuan ng dampa't pahingahang papag
magtatanim ng gulay doon, kamatis, tabayag,
munggo, papaya, kalabasa't lalagyan ng balag
sayang naman kung walang mag-aasikaso niyon
habang nasa bundok, nais kong mamalagi roon
maganda pang pahingahang di basta matutunton
baka balang araw, magiging kuta ko rin iyon
nais kong magsulat sa munting pahingahang gubat
mga dyaryo't magasin ay doon ko mabubuklat
doon din babasahin ang ilang nabiling aklat
at doon din papaghilumin ang bawat kong sugat
"sa madilim, gubat na mapanglaw," ani Balagtas
tila ba kasingpanglaw ko ang parating na bukas
nakakaburyong ang kwarantina, di pa rin ligtas
mabuti pa yatang sa gubat na iyon mautas
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paglaban sa kurakot
PAGLABAN SA KURAKOT ano pang dapat gawin kundi ang kumilos laban sa kaapihan at pambubusabos laban sa sanhi kayâ bayan ay hikahos laban sa ...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento