aking tinipon ang pinagkayasan ng kawayan
baka magamit pa't di tinapon sa basurahan
kawayang kinayas upang haligi ng kulungan
ng manok at mga anak niyang aalagaan
ang pinagkayasan ay maaaring pagsilabin
sa gabing parang katol upang lamok ay patayin
o magsilayo sa amin, mahirap nang kagatin
kami't magkadengge'y tiyak magastos pang gamutin
dapat sa umaga'y walisin ang kuta ng lamok
habang nasa isip, maraming bata ang nalugmok
sa dengge't marami rin ang nangamatay sa turok
malaman lang ang pangyayaring ito'y di malunok
kaya mumunting pinagkayasan ay tinipon ko
at magamit sa gabing lamok ang kahalubilo
nagbabakasakaling sila'y mawalang totoo
nang di magkasakit ang aking pamilyang narito
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kabayanihan sa gitna ng unos
KABAYANIHAN SA GITNA NG UNOS salamat at nababalita ang ganitong kabayanihan nars na sumagip ng binaha ang inabot ng kamatayan si Alvin Jala...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento