bumili na naman daw ako ng palaisipan
pagkain ng utak, imbes na pagkain ng tiyan
walang ibang palipasang oras kundi sagutan
ang biniling sudoku't krosword kapag tanghalian
anong magagawa ko't nasasarapang sumagot
sa maraming palaisipang dati'y di ko abot
ngayon, pag di alam, ang ulo'y kinakamot-kamot
animo'y nasa kuko ang sagot na di mahakot
aba'y bilib din naman ako't nakakabuo rin
ang buong palaisipan ay nasasagot man din
sudoku, logic puzzle, krosword, pakaiisipin
animo'y di nagsasawa, araw-gabi mang gawin
halina't sagutan ang palaisipang narito
pampalipas ito ng oras at pampatalino
bakasakaling pampaganda pa rin ng araw mo
pag wala ka pang ginagawa'y sagutan mo ito
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Necessary o necessity, sa RA 12216 (NHA Act of 2025)
NECESSARY O NECESSITY, SA RA 12216 (NHA ACT OF 2025) Nagkakamali rin pala ng kopya ang nagtipa ng batas na Republic Act 12216 o National Hou...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento