bitin pa rin ako sa aking mga ginagawa
animo'y dumaan ang sigwang di pa humuhupa
problemang nakikita'y tila baga lumalala
ulan ay di tumitila, baha'y di bumababa
bakit ba sa mga aktibista'y naiinis ka
anong aming ginawa upang ikaw ay magdusa
wala, kundi patuloy lang kaming nakikibaka
upang palitan na ang nabubulok na sistema
dapat ko nang matapos ang mga ginagawa ko
pagkat presentasyon sa klase'y mamaya na ito
handa na kaya ako, di kaya ito magulo
di pwedeng bahala na, nais kong maging pasado
mamaya na ito kaya gawin ang dapat gawin
kung puyat, pahinga konti, ngunit dapat tapusin
gayunpaman, ang kalusugan ay alalahanin
marami pang gagawin, lipunan pa'y babaguhin
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pakner sa paglaya ng inaapi
PAKNER SA PAGLAYA NG INAAPI Nobyembre 29 - International Day of Solidarity with the Palestinian People minsan, pakner kami ni Eric pag may r...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
ANG MAGTANIM NG PUNO sinabi noon ng isang polimatong Bengali at makatang nagngangalang Rabindranath Tagore ang magtanim ng puno, mag-alaga...
-
MAG-INGAT SA PAPUTOK NA GOODBYE DALIRI ah, mag-ingat sa paputok na samutsari baka matamaan at biglang mapalungi may Sinturon ni Hudas, Bin L...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento