ang masa'y tigib pa rin ng panawagang hustisya
sa ikaanim na anibersaryo ng Yolanda
di pa rin nababalik sa dati ang buhay nila
at wala pa ring bahay ang maraming nasalanta
may mga ginagawa pa ba ang pamahalaan?
upang mapanumbalik ang buhay ng taumbayan
anong ginagawang tulong sa mga namatayan?
upang dinaranas ng kanilang puso'y maibsan
lilitaw pa rin sa silangan ang magandang bukas
ngunit sa mga nasalanta'y di ito mabakas
tanging paghanap ng katarungan ang binibigkas
at baka may hustisya sa tinatahak na landas
hibik ng mga nasalanta ni Yolanda'y dinggin
at matitinong programa sana ang maihain
huwag lamang pagtulong ay lagi lang bibigkasin
kundi tunay na pagkilos ang nararapat gawin
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pakner sa paglaya ng inaapi
PAKNER SA PAGLAYA NG INAAPI Nobyembre 29 - International Day of Solidarity with the Palestinian People minsan, pakner kami ni Eric pag may ...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
ANG MAGTANIM NG PUNO sinabi noon ng isang polimatong Bengali at makatang nagngangalang Rabindranath Tagore ang magtanim ng puno, mag-alaga...
-
MAG-INGAT SA PAPUTOK NA GOODBYE DALIRI ah, mag-ingat sa paputok na samutsari baka matamaan at biglang mapalungi may Sinturon ni Hudas, Bin L...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento