ani misis, itago ko lang daw ang mga tula
upang may mahuhugot kung magpapasa ng akda
ngunit karamiha'y tulang pulitikal ang likha
di pampasa sa paligsahan ang mga kinatha
kaya mga katha sa blog ko'y agad nilalagay
upang di mawala ang likhang aking napagnilay
upang balang araw, sakaling ako na'y mamatay
ang mga tula ko'y nariyan kahit nasa lumbay
salamat sakaling may magtitipon nitong tula
lalo't inaadhika niyang ito'y malathala
bilang makapal na aklat ng hininga ko't diwa
bilang librong mula sa puso ng abang makata
kaya tula'y paanong sa baul lang itatago
kung aanayin lang ito't ako'y masisiphayo
mabuting malagay sa blog bago ito maglaho
hayaang ibang henerasyon yaong makatagpo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang aklat na Still Breathing, 100 Black Voices on Racism
ANG AKLAT NA STILL BREATHING, 100 BLACK VOICES ON RACISM Nabili ko ang aklat na Still Breathing, 100 Black Voices on Racism, 100 Ways to Ch...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento