bakit laging dapat lumaban silang maralita?
dahil ba ang dama nila'y wala silang dignidad?
dahil dama nilang inaapakan silang lubha?
dahil ba isinilang na silang dukha at hubad?
dahil ba salat sa yaman, dapat silang apihin?
dahil ba walang pribadong pag-aari'y alipin?
dahil laging marusing basta sila gugulpihin?
dahil tahanan ay iskwater, tatapakan na rin?
dahil isinilang na salat, ito'y kapalaran?
dahil wala silang makain, ito katamaran?
dahil walang pinag-aralan, ito'y kamangmangan?
dahil kayrami nila, ito'y populasyon naman?
kaya may dukha, pribadong pag-aari ang sanhi
at siya ring dahilan kung bakit may mga uri
upang maibsan ang kahirapan, ang ating mithi
ay pawiing tuluyan ang pribadong pag-aari
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagdalaw kay Libay
PAGDALAW KAY LIBAY tatlo kaming madalas dumalaw kay Libay ako, ang kaibigan niya, at si bayaw kaming tatlo'y talagang malapit na tunay a...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento