Linggo, Abril 05, 2026

Pusong Bato, Tulâ 2

PUSONG BATO, TULÂ 2
‎muli, aking binalikan ang pusong bato
‎at sa pinsan ni misis ay nagpalitrato
‎humiga sa daan at itinurô ito
‎iyan ang pisikal na anyong pusong bato
‎ibang-iba sa pusong bato ng pag-ibig
‎na sandamakmak na luhà ang iniigib
‎kasawian ng mga pusong umiibig
‎dahil ang iniibig ay di nakikinig
‎ang pag-ibig na tapat ay di mapaparam
‎ngunit pusong bato ay walang pakialam
‎kaya ikaw naman ay tiyak magdaramdam
‎sa asam na pag-ibig na'y mamamaalam
‎- gregoriovbituinjr.
‎04.05.2026
‎* kuha malapit sa istasyon ng Coda Lines bus sa Bontoc, Mountain Province

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"

PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista kundi isang biyudong nakaranas ng depresyon. Kalagitnaan ng Abril 2026, halos...