Sabado, Marso 28, 2026

Salamat sa saging at itlog

SALAMAT SA SAGING AT ITLOG

matapos ang Kalbaryo ng Maralita
ay pinabaunan ng saging at itlog
di nakain sa rali, inuwing sadya
pagkain ngayong umaga at nabusog

salamat sa kasamang nagbigay niyon
na dapat ay kahapon ko pa kinain
salamat at ako'y may almusal ngayon
ako'y pinalakas ng itlog at saging

buti't naalalang nakalagay sa bag
kaya daga'y walang makain kagabi
inilagay agad sa ref ng magdamag
bagamat may pusa, di siya mahuli

at muli, salamat sa mga kasama
talagang kasangga sa pakikibaka

- gregoriovbituinjr.
03.28.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Trabaho kong maghabi ng salitâ

‎TRABAHO KONG MAGHABI NG SALITÂ ‎ ‎bilang manunulat, bilang makatâ ‎trabaho kong maghabi ng salitâ ‎isyu'y ipinararating sa madlâ ‎mga i...