Huwebes, Marso 26, 2026

Limang pisong bagol

LIMANG PISONG BAGOL
‎mulâ Cubao, lakad bago mag-Quezon City Hall
sa isang opis, tanging laman ng bulsa'y bagol
‎umabot na sa ganyan ang hirap kong nasapol
paano ba alpasan ang panahong kaysahol?
‎ngunit ako'y patuloy pa ring naninindigan
‎na kahit ganito, ako'y tibak na Spartan
‎na di magigiba ng anumang karukhaan
‎ang kalooban kong pinatigas ng labanan
‎anong gagawin ng loob na naghihimagsik
‎lalo na't tumututol sa giyerang mabagsik
‎bawat gunita't danas ay aking tinititik
‎ako'y di bibigay ibitin mang patiwarik
‎limang pisong bagol man ang natira sa bulsa
‎ito'y mapapalago rin, ako'y umaasa
‎mandirigmang Spartan kaming lingkod ng masa
‎kumilos upang kamtin ang asam na hustisya
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.26.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"

PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista kundi isang biyudong nakaranas ng depresyon. Kalagitnaan ng Abril 2026, halos...