Sabado, Pebrero 28, 2026

Talbos ng sibuyas

TALBOS NG SIBUYAS

bente pesos ang tatlong piraso
ng nabiling talbos ng sibuyas
mayaman sa Bitamina A, C,
K, at fiber o hibla, mabuti
at pampalakas ng immune system
nagpapabuti rin ng panunaw
at nagpapatibay rin ng buto

sagana rin daw sa antioxidant
tumutulong bumaba ang presyon
ng kolesterol, at mayroon ding
anti-inflammatory properties
na anong inam para sa puso
at pangkalahatang kalusugan

kaya itong talbos ng sibuyas
ay inuulam ko't pampalakas

- gregoriovbituinjr.
02.28.2026

* datos mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nginatngat na takip ng bote

NGINATNGAT NA TAKIP NG BOTE ‎ ‎nakita kong tanggal / ang takip ng bote ‎ng mantikà, at may / ngatngat na ang tapón ‎sino'ng sanhi? bakit...