PANONOOD NG GOMBURZA SA MET
Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr.
Madaling araw na nang lumuwas ako ng Maynilà galing Batangas. Nailibing na ang aking tiyahin kahapon.
Ikaapat pa lang ay nakasakay na ako ng bus at nakarating ng ikaanim ng umaga sa PITX sa Pasay. Kaybilis ng biyahe. Nakauwi akong bahay ng ikapito ng umaga. Ang halos pitumpung kilometro galing lalawigan ay dalawang oras habang ang halos labing-anim na kilometro ay isang oras.
Pagkauwi ko'y naghanda na rin ako upang makarating ng maaga sa Metropolitan Theater (MET) sa Maynilà upang mapanood ang palabas na Gomburza. Dumating ako roon ng alas-diyes y medya ng umaga para sa alas-onseng palabas.
Akala ko'y pelikula. Dokumentaryo pala iyon. Tumagal iyon ng isang oras. Iba't ibang historian ang kinapanayam hinggil sa búhay ng tatlong paring sina Fr. Mariano Gomez, Fr. Jose Burgos, at Fr. Jacinto Zamora.
(DI PA TAPOS. ANTOK NA. TATAPUSIN PA....)






Walang komento:
Mag-post ng isang Komento