Lunes, Enero 12, 2026

Kurakot ba'y buwaya o balyena?

KURAKOT BA'Y BUWAYA O BALYENA?

walâ pa raw malaking isdang nakukulong
ano ba talaga? buwaya o balyena?
itinuring na buwaya ang mandarambong
subalit malaking isdâ ang hanap nila

ang malaking isdâ ba'y balyena o pating?
sila ba ang malalaking dapat mahuli?
gayong kurakot ay buwaya kung ituring
buwayang kurakot, sinisigaw sa rali

marahil mga kurakot din ay buwitre
nanginginain sa dugo't pawis ng dukhâ
silang kaban ng bayan ang sinasalbahe
ay di sinasalba kundi tinutuligsâ 

kung hinahanap natin ay malaking isdâ
bilang siyang ulo o utak ng kurakot
di iyon buwaya o buwitre, di ba nga?
kundi balyena o pating ang nasasangkot

- gregoriovbituinjr.
01.12.2026

* litrato mula sa Editoryal ng pahayagang Pang-Masa, Enero 10, 2026, p.3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kurakot ba'y buwaya o balyena?

KURAKOT BA'Y BUWAYA O BALYENA? walâ pa raw malaking isdang nakukulong ano ba talaga? buwaya o balyena? itinuring na buwaya ang mandaramb...