Sabado, Enero 10, 2026

Humaging sa diwa

HUMAGING SA DIWA

madaling araw pa rin ay gising
sa higaan ay pabiling-biling
dapat oras na upang humimbing
ngunit sa diwa'y may humahaging

di ko mabatid yaong salita
na nais magsumiksik sa diwa
mababatid ko rin maya-maya
at agad ko nang maitutula

marahil dapat muling umidlip
baka naroon sa panaginip
ang salitang nais kong malirip
o baka naritong halukipkip

ayaw akong dalawin ng antok
subalit nais ko nang matulog

- gregoriovbituinjr.
01.10.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

E-Jeep pala, hindi Egypt

E-JEEP PALA, HINDI EGYPT "Sumakay kami ng Egypt!" Sabi ng kaibigan kong dating OFW. "Buti, dala mo passport mo." Sabi ko...