Huwebes, Enero 29, 2026

Halagap at linab

HALAGAP AT LINAB

malalalim o kaya'y lumà
ang mga gamit na salitâ
minsan di agad maunawà
pagkat sa diwa'y bagong sadyâ

ang tanong sa Sampú Pahalang:
Halagap ng sebo, di alam
Linab ang naging kasagutan
mabuti't akin nang nalaman

ang krosword nga'y ganyan madalas
may salitang kang makakatas
bago man o luma'y lalabas
na sa krosword unang nawatas

salamat sa krosword na ito
at may natutunan pang bago
na magagamit ko sa kwento
at tulang isinusulat ko

- gregoriovbituinjr.
01.29.2026

* krosword mulâ sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 29, 2026, p.11
* kahulugan ng halagap at linab, mula sa Diksiyonaryong Adarna, pahina 287 at 530

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Halagap at linab

HALAGAP AT LINAB malalalim o kaya'y lumà ang mga gamit na salitâ minsan di agad maunawà pagkat sa diwa'y bagong sadyâ ang tanong sa ...