Biyernes, Disyembre 12, 2025

Ayokong mabuhay sa utang

AYOKONG MABUHAY SA UTANG

ayokong mabuhay na lang
upang magbayad ng utang
tulad sa kwentong "The Necklace"
nitong si Guy de Maupassant

subalit kayraming utang
na dapat ko pang bayaran
ako'y nabubuhay na lang
upang magbayad ng utang

kayâ buô kong panahon
sa bawat galaw ang layon
paano bayaran iyon
buong buhay ko na'y gayon

habang kayraming kurakot
mga pulitikong buktot
kaygandang buhay ng sangkot
silang sa bayan ay salot

ikinwento ni Maupassant
sadyang wala ka nang buhay
kumikilos parang patay
nabubuhay parang bangkay

di matulad kay Mathilde
Loisel sa akdang "The Necklace"
yaong nais ko't mensahe
sa kapwa ko't sa sarili

sa tulad kong pulos utang
tama ka, Guy de Maupassant:
ang nabubuhay sa utang
ay wala nang kasiyahan

- gregoriovbituinjr.
12.12.2025

* litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ayokong mabuhay sa utang

AYOKONG MABUHAY SA UTANG ayokong mabuhay na lang upang magbayad ng utang tulad sa kwentong  "The Necklace" nitong si  Guy de Maupa...