Huwebes, Nobyembre 27, 2025

Panalo nga ba?

PANALO NGA BA?

nakasulat: "Lahat ng pack, panalo!"
sa baba: "Smoking causes foot gangrene"
kaya ang tanong: tunay bang panalo?
ang ad ay kabalintunaan man din

sa kabila, "ang paninigarilyo
ay sanhi ng pagkaagnas ng paa"
ngunit sabi'y "Lahat ng pack, panalo'"
sa agnas na paa'y panalo nga ba?"

kabalintunaan ang patalastas
di ka talaga panalo sa ganyan
ngunit dahil negosyante'y malakas
balintuna man, pinagtutubuan

binibilog na ang ulo ng madlâ
subalit ito'y tila balewalâ

- gregoriovbituinjr.
11.27.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang tatlo niyang punò

ANG TATLO NIYANG PUNÒ natutunan niya noong siya'y bata pa paanong pagtanim ng puno'y mahalaga para sa kabuhayan ng kanyang pamilya t...