Sabado, Nobyembre 22, 2025

Maralita laban sa korapsyon

MARALITA LABAN SA KURAPSYON!

panahon na ngang ating labanan
ang mga kuhila't tampalasan
palitan ang bulok na lipunan
palitan din ang pamahalaan

kinurakot nga ng mga korap
ang buwis natin sa isang kisap
mata, ang pondo'y nawalang ganap
mas naging dehado ang mahirap

buwis ng bayan ang kinurakot
ng mga talipandas at buktot
buwis ng dukha'y pinaghuhuthot
ng lingkod bayang pawang balakyot

marunong ding magalit ang dukha
imbes pondo'y sa bahay at lupa
ang pondo'y kinurakot ngang sadya
ng mga pulitikong kuhila

O, maralita, magalit ka na!
ibagsak na ang oligarkiya,
gahaman, dinastiya, burgesya
baguhin ang bulok na sistema!

- gregoriovbituinjr.
11.22.2025 (National Poetry Day)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Maralita laban sa korapsyon

MARALITA LABAN SA KURAPSYON! panahon na ngang ating labanan ang mga kuhila't tampalasan palitan ang bulok na lipunan palitan din ang pam...