Lunes, Setyembre 01, 2025

Sina Alyssa Valdez at Alex Eala

SINA ALYSSA VALDEZ AT ALEX EALA

sina Alyssa Valdez at Alex Eala
dalawang batikan, atletang Pilipina
tennis si Alex at volleyball si Alyssa
sila'y tunay na kahanga-hangang atleta

minsan, sa bidyo lang sila napapanood
reel, pesbuk, YouTube, doon ako nakatanghod
sila'y tatalon, hahampas, mapapaluhod
pawang matatatag, matitibay ang tuhod

sa isports, kaylaki ng ambag nilang tunay
ipinakita nila ang talino't husay
masasabi ko'y Mabuhay sila! MABUHAY!
ang paabot ko'y taospusong pagpupugay!

ngalan nila sa kasaysayan na'y naukit
mga atletang nasa pagitan man ng net
ay makikitang may ngiti, di nagsusungit
mababait, ngunit sa arena'y kaylupit

- gregoriovbituinjr.
09.01.2025

* litrato mula sa ABS-CBN News fb page 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kukukup kop, kukukop

KUKUKUP KOP, KUKUKOP sino kayang kukupkop sa tulad nilang dahop yaon bang mananakop na ang ugali'y hayop kukukup kop, kukukop sakaling m...