Lunes, Setyembre 22, 2025

Ani Alwina

ANI ALWINA

siya si Alwina ng Mulawin
nagsalita laban sa korupsyon
ako'y ngpupugay, Angel Locsin
sa iyong paninindigan ngayon

sinabi niya, "Watching the hearings
I couldn't help but remember the news
and messages of those begging for help
People's home washed away, lives lost to floods."

anya, "Naiyak ako sa galit.
Pwede palang di sila maghirap.
Pwede pala ang walang nasaktan.
Pwede pala ang walang namatay."

"Ang bigat. Nakakakapanghina 'yung
ganitong kasamaan. Pero mas
nakakapanghina'y manahimik
lang tayo. We keep speaking for truth,

for justice, for change, para sa tao."
mga tinuran ni Angel Locsin
ay sadyang makabagbag-damdamin
kanyang mensahe'y tandaan natin.

- gregoriovbituinjr.
09.22.2025

* litrato mula sa fb

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pondo ng flood control, ilipat sa edukasyon!

PONDO NG FLOOD CONTROL, ILIPAT SA EDUKASYON hiyaw nila:  "Pondo ng flood control!" tugon:  "Ilipat sa edukasyon!" pahaya...