ANG SUMBRERO KONG NAWAWALA
nasa rali ako, kainitan ng araw
nasa Luneta'y walang sumbrerong proteksyon
pag-uwing bahay, saka lang iyon lumitaw
aba'y kaytagal din namang nawala niyon
namigay ng polyeto, kaytindi ng sikat
ng araw, lakad, bigay, at nangalahati
ang isang ream, sana'y binabasa ng lahat
anong tindi ng init, umupo sandali
anang isang kasama, sumbrero mo'y nahan
sabi ko, naiwan ko sa loob ng bahay
tumabi sa akin at ako'y pinayungan
dama ko'y alwan, nagpasalamat ng tunay
buti na lang, muling nakita ang kakampi
kong sumbrero, lumitaw lang, di ko hinanap
sumbrerong beterano na sa mga rali
at kasama ko sa paglikha ng pangarap
- gregoriovbituinjr.
09.21.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento