Sabado, Hulyo 05, 2025

Si alaga

SI ALAGA

sa bahay ay kauuwi lang sadya
pawisan mula lakarang kayhaba
at agad kong natanaw si alaga
na sa kanyang kama ay nakahiga

si misis ang bumili ng higaan
ng pusang aming inaalagaan
tila pagod ko'y agad napalitan
ng ginhawa nang pusa'y masilayan

hinayaan ko siyang magpahinga 
at ako'y nagpahinga na rin muna
sumagi sa isip ang kalabasa
at galunggong na inulam kanina

nasa dila ko pa ang mga iyon
at sa bahay pa lang makakainom
ay, di nakapag-uwi ng galunggong 
na kay alaga sana'y pasalubong

- gregoriovbituinjr.
07.05.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Si alaga

SI ALAGA sa bahay ay kauuwi lang sadya pawisan mula lakarang kayhaba at agad kong natanaw si alaga na sa kanyang kama ay nakahiga si misis a...