Biyernes, Hulyo 11, 2025

Sa unang buwansaryo ng pagyao ng sinta

SA UNANG BUWANSARYO
NG PAGYAO NG SINTA

nagiba ang lahat ng pangarap
nagiba ang dibdib sa nalasap
nagiba maging ang pangungusap
nawala ang buhay sa sang-iglap

hanggang ngayon, nagdadalamhati
sa ospital ikaw ay nasawi
alaala mo'y di mapapawi
sa puso'y laging mananatili

isang buwan na nang mawala ka
dusa't lumbay aking nadarama
hungkag na yaring buhay ko, sinta
nang sa aking piling mawala ka

katawa'y matatag, di ang dibdib
tuhod pa'y matibay, di ang isip
kinakaya ko lang, di malirip
sa puso'y lagi kang halukipkip

- gregoriovbituinjr.
07.11.2025

* litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa unang buwansaryo ng pagyao ng sinta

SA UNANG BUWANSARYO NG PAGYAO NG SINTA nagiba ang lahat ng pangarap nagiba ang dibdib sa nalasap nagiba maging ang pangungusap nawala ang bu...