Miyerkules, Hulyo 09, 2025

Pagtunganga sa kawalan

PAGTUNGANGA SA KAWALAN

natunganga muli sa kawalan
habang lalagda'y inaabangan
habang promissory note ang tangan
habang luha'y kapara ng ulan

doon sa labas na'y bumabagyo
parang pag-alog niring puso ko
parang lagnat sa pagdedeliryo
parang kandilang naupos dito

ang kalangitan ay nagdidilim
ang alapaap ay nangingitim
damdamin ay puno ng panimdim
kawalang di maarok sa lalim

nalilinis kaya ang polusyon
sa lungsod pag umulan, umambon
lilinisin ba ng luhang iyon
ang pusong sawi't aming kahapon 

- gregoriovbituinjr.
07.09.2025

* kuha sa ika-11 palapag ng gusaling CHBC ng ospital

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano nga ba ang venous thrombosis o blood clot?

ANO NGA BA ANG VENOUS THROMBOSIS O BLOOD CLOT? Blood clot. Medical na tawag ay venous thrombosis? Ito ang pamumuo ng dugo o pagiging malapot...