Miyerkules, Hulyo 30, 2025

Bawal umupo sa panaderya

BAWAL UMUPO SA PANADERYA

tambayan na ba ang panaderya?
na sa tabi ng eskaparate
ng tinapay ay uupuan pa
tinatambayan ba ng salbahe?

basahin mo lang ang karatula
at mapapaatras ang bibili
bakit naman? bibili lang siya
uuwi na matapos bumili

may uupo kasi sa umaga
magpapandesal at magkakape
kaya naglagay ng karatula
sa panaderyang may binibini

maganda ang naroong tindera
na sa panaderya'y nagsisilbi
ay, maraming uupo talaga
at tatambay pagkat nawiwili

- gregoriovbituinjr.
07.30.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Salamat sa aklat ng tulâ, kamakatâ

SALAMAT SA AKLAT NG TULÂ, KAMAKATÂ salamat sa aklat ng tulâ, kamakatâ dahil sa  Buwan ng Sining , nagkitang sadyâ sa isang pagtatanghal, pag...