ELEPANTE PALA'Y GADYÁ
elepante'y naroon sa kalapitbansa
at nasa zoo lang sila pag nasa Maynila
subalit may katumbas sa sariling wika
ang elepante na tinatawag na gadyâ
naalala ko tuloy ang isang pabula
may ilang bulag na nakarinig sa gadyâ
nais nilang mabatid ano itong sadya
kaya nasabing gadya'y kanilang kinapa
nahipo ng isa'y buntot, lubid daw ito
sa kumapa sa tenga, ito'y abaniko
sa nakahawak sa pangil, sibat umano
sa humaplos sa tagiliran, pader ito
nagbalitaktakan sila kung sinong wasto
na pananaw ay magkakaibang totoo
nilarawan ay pinaniwalaang todo
parehong bagay ngunit magkaibang kwento
- gregoriovbituinjr.
05.28.2025
* larawan mula sa AlpabeTUKLAS ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento