Huwebes, Marso 06, 2025

Unang 50,000 puntos sa kasaysayan ng NBA

UNANG 50,000 PUNTOS SA KASAYSAYAN NG NBA

si Lebron James ay lumikha ng kasaysayan
nang ikalimampung libong puntos ay nagawa
sa isports na basketbol na kanyang larangan
na ikinatuwa ng mga tagahanga

nangyari iyon sa laban ng Los Angeles
Lakers kontra New Orleans Pelicans na tambak
ng higit dalawampung iskor, na mabilis
ang katunggali'y sa alikabok sinadlak

nilampasan niya si Kareem Abdul Jabbar
na puntos ay tatlumpu't walong libong higit
kay Lebron James naman ay matinding paandar
na unang limampung libong syut ay nakamit

pagpupugay kay Lebron James sa nakamit niya
sa NBA regular season pa talaga

- gregoriovbituinjr.
03.06.2025

* NBA - National Basketball Association
* ulat mula sa pahayagang Bulgar at Pilipino Star Ngayon, Marso 6, 2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pag-ambag ng dugo

PAG-AMBAG NG DUGO bilang aktibista, nais kong makatulong sa aking kapwa, kahit magbigay ng dugo para sa nangangailangan, nilalayon kong ang ...