Sabado, Marso 01, 2025

Ang panulat

ANG PANULAT

pluma ko'y di hihinto
sa panitikang tanto
saknungan ay binuo
mula danas sa mundo

pluma ko'y di titigil
tadtad man ng hilahil
magsalita ma'y garil
o kaya'y nanggigigil

laging magsisiwalat
ng anumang naungkat
upang ang nagsasalat
ay sakaling mamulat

matamis ang salita
maasim ang sikmura
buhay man ay mapakla
patuloy sa pagkatha

- gregoriovbituinjr.
03.01.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

21 makasalanan / 21 kasalanan

21 MAKASALANAN / 21 KASALANAN dalawampu't isang solon yaong pinangalanan sa flood control scam ngayo'y iniimbestigahan manyak na may...