ANAK NI PACMAN, MULING LALABAN
katukayo pala ni Pacman ang boxer na anak
na nagngangalang Emmanuel Joseph "Eman" Bacosa
na muling lalaban sa Blow-by-Blow, nakagagalak
may anak siyang boksingerong palaban talaga
si Eman, dalawampu't isang anyos, taga-GenSan
sa dibisyong lightweight ay kakasa sa taga-Congo
sa rekord nga'y mayroon lang siyang anim na laban
una'y draw, at apat ay knockout sa limang panalo
matangkad pa kaysa ama, na taas ay five-foot-ten
si Pacman ang kanyang inspirasyon at motibasyon
tulad din ng ama, ang kanyang kamao'y bigatin
na talagang paluluhurin ang kalaban doon
apelyido'y iba man, anak sa ibang babae
ni Pacman, sa karakas ay mana sa kanyang tatay
isang boksingerong dapat pa ring ipagmalaki
kaya kay Eman Bacosa, mabuhay ka! mabuhay!
- gregoriovbituinjr.
03.10.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Marso 10, 2025
* boxing rekord mula sa kawing na: https://www.tapology.com/fightcenter/fighters/403555-eman-bacosa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento