Sabado, Pebrero 08, 2025

Walang tibay ang gawang balasubas

WALANG TIBAY ANG GAWANG BALASUBAS

sementadong flood control project, dumausdos
gumuho sa walang hintong buhos ng ulan
magkanong pera ng bayang dito'y ginastos
kontratista pala nito'y di nasilayan

bakit ba walang tibay ang ginawang ito
ilang mason ang naglinaw nang kausapin
di kumapit ang semento, kulang sa bato
di type A o type B ang mixing ng buhangin

proyekto'y tinipid? o kaya'y kinurakot?
kaya flood control project ay bumigay agad
sinong responsable? sinong dapat managot?
ilang milyong piso ang dito'y kinulimbat?

anang ulat, pagkakagawa'y balasubas
ilang lokal na kontratista pa'y blacklisted
apatnapu't siyam na metro ang nalagas
nalusaw na milyones sa bayan pa'y hatid

- gregoriovbituinjr.
02.08.2025

* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Pebrero 8, 2025, p.3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tama ang ginawa ni Heart

TAMA ANG GINAWA NI HEART binigyan daw ni Alden ng bulaklak si Heart nagpapahiwatig ng pag-ibig si Alden? aba'y bakit gayon? may asawa na...