PUSANG ANTOK
madaling araw na, iidlip na
aba'y malapit nang mag-umaga
sa kompyuter pa'y tipa ng tipa
ang alaga'y antok ding talaga
nariritong kami'y naghihikab
tandang dapat matulog nang ganap
nang tahiin ang mga pangarap
na sa diwa't puso'y nag-aalab
si alaga'y aking pinagmasdan
na malaking karton ang higaan
ano kaya kung siya'y bidyuhan
artista siyang muli pag ganyan
mamaya, alarm clock na'y tutunog
habang nadarama na ang hamog
buti pa'y pumikit na't matulog
may tula na namang ihahandog
- gregoriovbituinjr.
02.14.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/xK0bhCr-1W/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento