DALAWANG SAGOT SA ISANG SUDOKU
ilang beses ko nang nakaenkwentro
dalawang sagot sa isang sudoku
doon nga'y salitan ang dos at otso
parehong tama kapag binuo mo
ganyang sudoku ay bihira naman
pagkat madalas, sagot ay isa lang
kaya natutuwa akong pagmasdan
at pagsusuri'y binalik-balikan
blangko sa litrato'y pagmasdan mo na
nasa pang-apat at panglimang linya
ilagay mo man ang otso sa una
numero dos naman sa pangalawa
subukan mong salitan ang otso't dos
alinman sa dalawa'y di ka kapos
tiyak sudoku'y iyong matatapos
at makikitang tama iyong lubos
- gregoriovbituinjr.
02.14.2025
* sudoku mula sa pahayagang Pang-Masa, Pebrero 13, 2025, p.7
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang mga nalilirip
ANG MGA NALILIRIP iniisip ko pa ring kumatha ng nobelang tatatak sa madla inspirasyon ang danas ng dukha upang sa hirap ay makalaya nagsasal...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
-
SA BAWAT PATAK NG ULAN umaga, makulimlim na naman ang kalangitan nagbabadya na naman ng malakas na pag-ulan naalimpungatan ako sa patak sa b...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento