Sabado, Enero 25, 2025

Paalala sa pasilyo

PAALALA SA PASILYO

malinaw ang paalala
sa dinaanang pasilyo
bago nasok sa Session Hall
"Do Not Disturb" sabi dito

na ang ibig sabihin lang
huwag kayong mang-istorbo
lalo na't may pulong diyan
huwag maingay, magulo

maliban kung may debate
naroon ka sa usapin
na ikaw ay maririndi
pagkat punto'y dinidiin

subalit kagaya ng chess
dapat kang may preparasyon
isyung malinis, marungis
handa ka nang di makahon

pag may ibang nagpupulong
sa labas ka't manahimik
pagkat pulong nila iyon
sa isyu ma'y nasasabik

- gregoriovbituinjr.
01.25.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang aklat na Still Breathing, 100 Black Voices on Racism

ANG AKLAT NA STILL BREATHING, 100 BLACK VOICES ON RACISM Nabili ko ang aklat na  Still Breathing, 100 Black Voices on Racism, 100 Ways to Ch...