Biyernes, Enero 10, 2025

Magsulat upang may ipambayad sa utang

MAGSULAT UPANG MAY IPAMBAYAD SA UTANG

anong laki ang bayarin sa pagamutan
kaya kinakailangan naming mangutang
upang mabayaran ang doktor at ospital
di iyon bigay ng mga kamag-anakan

hanggang ngayon, dapat mag-isip ng paraan
ang pagsusulat ang tangi kong kakayahan
ako'y makatang pultaym na tibak din naman
na dyaryong Taliba'y pinagkaabalahan

makakalikha kaya ako ng nobela?
na maisasalibro't milyones ang kita?
na magiging matagumpay na pelikula?
ngunit tagumpay na iyon ay kailan pa?

susundan ko ba ang yapak ni Stephen King?
at ang seryeng Harry Potter ni J.K. Rowling?
at kay J.R.R. Tolkien na Lord of the Ring?
dapat ko nang magsimula't huwag humimbing!

kaya magsulat na't ayusin ang direksyon
kung paano gagana ang imahinasyon
matagal man ay darating din ang panahon
na ako'y magtatagumpay sa nilalayon

- gregoriovbituinjr.
01.10.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ilang aklat ng katatakutan

ILANG AKLAT NG KATATAKUTAN marahil, di libro ng krimen kundi multo ang paglalarawan sa nariritong libro akdang katatakutan ni  Edgar Allan P...