GAMOT MULA SA BALAT NG BANGUS
talagang kahanga-hanga ang nadiskubre
ng mga aghamanon mula Ateneo
natuklasan nilang lunas pala sa lapnos
ang balat ng bangus, oo, balat ng bangus
kaysa nga naman basta itapon na lamang
ang balat ng bangus, bakit hindi tuklasin
ang gamit nito bilang panlunas sa paso
o lapnos sa balat, isang alternatibo
katulad din pala ng balat ng tilapya
na ginamit namang ointment na pinapahid
sa sugat sa balat upang ito'y gumaling
at selula ng balat ay muling mabuhay
talagang ako'y nagpupugay sa kanila
upang matulungan ang mga walang-wala
at sa mga aghamanon ng Ateneo
taospuso pong pasasalamat sa inyo
- gregoriovbituinjr.
01.14.2025
* ulat mula sa pahayagang Abante, enero 11, 2025, p.6
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ramboletra
RAMBOLETRA may nabuo sa ramboletra mga salitang SOURCE at COURSE na S at C ay nagsalitan ba nilalaro pag nag-iisa sa nilatag na mga t...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
-
PANAYAM SA AKIN NG MGA ESTUDYANTE PARA SA KANILANG THESIS Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Narito ang isang panayam sa ak...
-
DI KO ISASALONG ANG SANDATANG PLUMA ang mga berdugo'y patuloy kong tinutuligsa sapagkat dama ko'y tungkulin bilang manunula ayokong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento