Biyernes, Nobyembre 08, 2024

Barya lang po sa umaga

BARYA LANG PO SA UMAGA

nagtraysikel ako upang puntahan
ang pinapakay sa isang tanggapan
upang pagamutan ay mabayaran
upang hirap ng loob ay maibsan

nag-aayos ng mga dokumento
para sa guarantee letter na ito
pupuntahan ang mga pulitiko
DSWD at PCSO

nasa ospital pa kasi si misis
dahil sa sakit niyang tinitiis
sa ospital ay maagang umalis
kaya dapat pagkilos ko'y mabilis

buti't sa bulsa ko'y may mga barya
ika nga, "barya lang po sa umaga"
ang aking misis nawa'y gumaling na
sabi, habang may buhay, may pag-asa

- gregoriovbituinjr.
11.08.2024

* kuha ang litrato, Nobyembre 7, 2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagtula

PAGTULA dito ko binubuhos lahat kong lunggati lalo't di na madalumat ang pusong sawi aking hiyaw, pakikibaka'y ipagwagi ngunit sa ka...