Huwebes, Oktubre 17, 2024

Ang kuting

ANG KUTING

noon ko lang nakita ang kuting
na kinalaro ng aming muning
siya pala ang naririnig ko
ngumiyaw sa ilalim ng awto

kay-ingay niya, ngiyaw ng ngiyaw
at nakita ko itong lumitaw
nakipaglaro sa pusa namin
baka nanghihingi ng pagkain

lalaki itong malaking pusa
batid ko, dahil aming alaga
magkakulay, animo'y mag-ama
si alaga ba'y nakabuntis na?

at ang kuting na iyon ang anak?
saan kaya ito pinanganak?
kumbaga, saan ang kanyang bahay?
upang mapakain silang tunay

palaboy na pusa'y aking misyon
maambunan ng pagkain iyon
tulad ng sinumang nagugutom
ay mapakain at mapainom

- gregoriovbituinjr.
10.17.2024

* nabidyuhan ng makatang gala sa tapat ng bahay
* mapapanood ang nasabing bidyo sa kawing na: https://fb.watch/vgqMPd4ASS/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Alaala - salin ng tula ni Sheikha Hlewa

ALAALA Tula ni Sheikha Hlewa Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Nagkakagulo ang lahat nang inagaw...