Biyernes, Setyembre 13, 2024

Pagbaka sa kaplastikan

PAGBAKA SA KAPLASTIKAN

tadtad ng plastik sa basurahan
sa kalupaan, sa karagatan
ngunit tadtad din ng kaplastikan
sa pulitika't pamahalaan

kinain ng isda'y microplastic
na sa tiyan nila'y sumisiksik
mata kaya natin ay tumirik
pag kinain ang isdang may plastik?

kayraming kaplastikan sa mundo
na di pa malutas ng gobyerno
kayraming plastik na trapo't tuso
plastik ba ang lilipol sa tao?

tara nang maghanap ng solusyon
sa kaplastikan ba'y anong tugon?

- gregoriovbituinjr.
09.13.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

CLAYGO - Clean As You Go

CLAYGO - Clean As You Go magandang panuntuan ang  CLAYGO na kahulugan ay  Clean As You Go una kong nakita sa kantina ng ospital at nang mabi...