Biyernes, Agosto 23, 2024

Angep

ANGEP

kung kayganda ng araw kahapon
nang dumatal na ang dapithapon
kaytindi ng fog o angep ngayon
tila kabundukan nga'y nilamon

dama na ng katawan ko'y lamig
dapat nang magdyaket, nanginginig
animo ako'y nagpapalupig
sa ginaw, hamog at halumigmig

di ko na matanaw ang kaharap
na bundok sa kabila ng ulap
pagkat angep na ang yumayakap
sa nayon ng maraming pangarap

papasok muna ako ng bahay
umaambon na't di na palagay
at sa munting dampa'y magninilay
nang may tula muling maialay

- gregoriovbituinjr.
08.23.2024

* angep - salitang Ilokano sa fog

* mapapanood ang ilang segundong bidyo sa kawing na: https://fb.watch/uddMkNQbs7/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Natabig ng dagâ ang bote

NATABIG NG DAGÂ ANG BOTE masasabi bang binasag ng dagâ ang boteng iyon o di sinadyang natabig kaya bumagsak sa sahig mula roon sa bintanà ay...