SIKAT NA ANG PANDESAL
madalas kong bilhin tuwing umaga
ay diyaryo at pandesal tuwina
kinaugalian ko na talaga
na pagkagising, iyan ang kasama
kanina, pagbuklat ko ng balita
pandesal pala'y sikat sa banyaga
kaya ngayon naglalaro ang diwa
bilang papuri, tula ay kinatha
O, pandesal, lagi naming agahan
nasa Top 40 World's Best Bread Roll naman
sikat na ang paboritong agahan
tumanyag na ang pandesal ng bayan
pagpupugay sa sikat na tinapay
lasang Pinoy, malinamnam na tunay
pag may pandesal, loob ko'y palagay
madalas kasama sa pagninilay
- gregoriovbituinjr.
06.11.2024
* ulat mula sa pahayagang Abante, Hunyo 11, 2024, p.8
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ilang aklat ng katatakutan
ILANG AKLAT NG KATATAKUTAN marahil, di libro ng krimen kundi multo ang paglalarawan sa nariritong libro akdang katatakutan ni Edgar Allan P...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
-
PANAYAM SA AKIN NG MGA ESTUDYANTE PARA SA KANILANG THESIS Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Narito ang isang panayam sa ak...
-
DI KO ISASALONG ANG SANDATANG PLUMA ang mga berdugo'y patuloy kong tinutuligsa sapagkat dama ko'y tungkulin bilang manunula ayokong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento