Linggo, Hunyo 09, 2024

Inagawan ng higaan

INAGAWAN NG HIGAAN

hoy, naunahan mo ako diyan, ah,
sabi ni Lambing kay Mingming kanina
upuang pula'y higaan ni Lambing
ang nakahiga ngayon ay si Mingming

ang nasabi ko na lang sa dalawa
aba'y huwag kayong mag-aaway, ha?
si Lambing ay natulog na sa sahig
dahil si Mingming sa silya na'y himbing

ganyan magmahal ng mga alaga
ganyan magmahal ang mga alaga
walang mapapala aa pag-aaway
buting makiusap nang malumanay

dalawa naman ang upuang pula
isa'y tambayan ng pusa tuwina
ang isa'y upuan ko sa trabaho
na higaan nila pag wala ako

- gregoriovbituinjr.
06.09.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"

PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista kundi isang biyudong nakaranas ng depresyon. Kalagitnaan ng Abril 2026, halos...